Hunyo 2, 2026, Pinagsamang Pambuong-Estado na Tuwirang Primaryang Eleksyon

Hunyo 2, 2026, Pinagsamang Pambuong-Estado na Tuwirang Primaryang Eleksyon

Ang opisyal na ulat ng lokal na mga resulta ng eleksyon ay ilalathala sa sfelections.org/results, at magkakaroon ng mga nakalimbag na kopya sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa Room 48, City Hall.
Sa Gabi ng Eleksyon, ang mga resulta ay makikita rin sa North Light Court ng City Hall at ipapalabas sa pamamagitan ng ticker sa SFGTV (Channel 26).
Makikita ang opisyal na pambuong-estadong mga resulta sa sos.ca.gov/elections.

Iuulat ng Departamento ng mga Eleksyon ang lokal na mga resulta ng eleksyon ayon sa sumusunod:

Pag-uulat sa Gabi ng Eleksyon (Pauna)

Pagkatapos ng pagsasara ng botohan, maglalabas ang Departamento ng apat na ulat ng paunang mga resulta:

  1. 8:45 p.m. – Ang unang ulat ay maglalaman ng mga resulta mula sa karamihan ng mga vote-by-mail na balotang natanggap bago ang Araw ng Eleksyon.
  2. 9:45 p.m. – Isasama sa pangalawang ulat ang mga resulta mula sa Araw ng Eleksyon na iniulat ng mga lugar ng botohan.
  3. 10:45 p.m. – Kasama rin sa pangatlong ulat ang mga resulta ng Araw ng Eleksyon mula sa mga karagdagang mga pag-uulat sa mga lugar ng eleksyon.
  4. Bandang hatinggabi – Ang pang-apat na ulat, kasama dito ang lahat ng mga resulta ng botohan sa Araw ng Elekson, ay ilalabas kapag nakapag-ulat na ang lahat ng presinto.

Ang lahat ng mga resulta na ilalabas sa Gabi ng Eleksyon ay pauna lamang at magbabago habang binibilang pa ang mga balota sa mga susunod na araw. Kabilang dito ang mga balido na probisyonal na balota at mga vote-by-mail na balota na natanggap sa Araw ng Eleksyon, gayun din ang mga balido na vote-by-mail na balota na may postmark nang Araw ng Eleksyon at natanggap sa loob ng isang linggo.

Araw-araw na Pag-uulat sa Panahon ng Bilangan (Pauna)

  1. Simula Miyerkules, Hunyo 3, ilaathala ng Departamento ang tinatayang bilang ng mga balotang natitira pang bilangin at ipagpapatuloy ito araw-araw hanggang mabilang ang lahat ng balota. Sa Hunyo 3, ang Departmento ay hindi maglalabas ng paunang ulat ng resulta ng eleksyon.
  2. Simula Huwebes, Hunyo 4, at magpapatuloy hanggang Biyernes, Hunyo 12, ang Departamento ay maglalabas ng na-update na paunang mga resulta ng eleksyon bandang 4 p.m. bawat araw, maliban sa Linggo, Hunyo 7.
  3. Pagkatapos ng Hunyo 12, ang Departamento ay maglalabas ng karagdagang mga updates ng mga resulta habang patuloy na binibilang ang mga balota at maglalagay ng abiso ng na-update na iskedyul ng pag-uulat sa kanilang website.
  4. Ayon sa batas ng estado, ang pinakamaagang petsa kung kailan maaaring sertipikahan ng Departamento ang mga resulta ng eleksyon ay Huwebes, Hunyo 25.

Sa mga araw na hindi nagbibilang ng mga balota ang Departamento at walang bagong update na paunang ulat ng resulta ng eleksyon, maglalagay ang Departmento ng abiso hinggil dito.

Pag-uulat ng Pinal na mga Resulta

Ilalabas ng Departamento ang pinal na lokal na mga resulta ng eleksyon kapag natapos na ang pagbibilang ng mga balota. Ayon sa batas ng estado, ang pinakamaagang petsa kung kailan maaaring sertipikahan ng Departamento ang mga resulta ng eleksyon ay Huwebes, Hunyo 25.

Mga Format ng Ulat

Ang mga ulat sa Gabi ng Eleksyon at sa panahon ng bilangan ay maglalaman ng parehong a) Pahayag ng mga Boto, na may datos na nakaayos ayon sa presinto, distrito, at kapitbahayan (PDF at Excel), at b) Rekord ng mga Boto, na nagpapakita ng raw data ng boto (JSON) at ulat sa ranked-choice na pagboto para sa posisyon na Miyembro ng Lupon ng mga Superbisor, Distrito 2 at Distrito 4.

Pampublikong Obserbasyon

Ang mga miyembro ng publiko ay malugod na inaanyayahan na mag-obserba sa pagpoproseso ng balota nang personal o sa pamamagitan ng livestream na naka-post sa pahinang Pag-Obserba sa Eleksyon page.