Nobyembre 4, 2025, Pambuong-estadong Espesyal na Halalan

Ang opisyal na ulat ng lokal na mga resulta ng eleksyon ay ilalathala sa sfelections.org/results, at magkakaroon ng mga nakalimbag na kopya sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa Room 48, City Hall.
Sa Gabi ng Eleksyon, ang mga resulta ay makikita rin sa North Light Court ng City Hall at ipapalabas sa pamamagitan ng ticker sa SFGTV (Channel 26).
Makikita ang opisyal na pambuong-estadong mga resulta sa sos.ca.gov/elections.

Iuulat ng Departamento ng mga Eleksyon ang lokal na mga resulta ng eleksyon ayon sa sumusunod:

Pag-uulat sa Gabi ng Eleksyon (Pauna)

Pagkatapos ng pagsasara ng botohan, maglalabas ang Departamento ng tatlong ulat ng paunang mga resulta:

  1. Bandang 8:45 p.m., isang ulat na naglalaman ng mga resulta mula sa mga natanggap na mga vote-by-mail na balota bago ang Araw ng Eleksyon.
  2. Kaagad pagkatapos mag-ulat ng lahat ng mga lugar ng botohan, isang ulat na kasama ang mga resulta mula sa personal na pagboto sa lahat ng 100 mga lugar ng botohan.

Ang lahat ng mga resulta na iniulat sa Gabi ng Eleksyon ay pauna lamang at maaari pang magbago habang patuloy ang pagbibilang ng Departamento ng mga karagdagang balota. Kabilang dito ang mga balidong vote-by-mail at probisyonal na mga balotang natanggap sa Araw ng Eleksyon at balidong mga vote-by-mail na balota na na-postmark nang hindi lalampas sa Araw ng Eleksyon at natanggap sa loob ng isang linggo.

Araw-araw na Pag-uulat sa Panahon ng Bilangan (Pauna)

  1. Sa Miyerkules, Nobyembre 5, maglalathala ang Departamento ng isang ulat na may tinatayang bilang ng mga natitirang mga balotang bibilangin pa.
  2. Sa Huwebes, Nobyembre 6, at Lunes, Nobyembre 10, maglalabas ang Departamento ng na-update na ulat ng paunang mga resulta ng eleksyon bandang 4 p.m.
  3. Simula sa linggo ng Nobyembre 17 at tuloy-tuloy hanggang sa sertipikasyon, maglalabas ang Departamento ng na-update na mga resulta isang beses kada linggo tuwing Lunes bandang 4 p.m.

Magpo-post ang Departamento ng abiso sa website nito ng anumang mga pagbabago sa schedule ng pag-uulat ng mga resulta.

Pag-uulat ng Pinal na mga Resulta

Ilalabas ng Departamento ang pinal na lokal na mga resulta ng eleksyon sa Disyembre 2, 2025, ang nakamandatong deadline para sa sertipikasyon ng eleksyon.

Mga Format ng Ulat

Ang mga ulat sa Gabi ng Eleksyon at sa panahon ng bilangan ay maglalaman ng parehong a) Pahayag ng mga Boto, na may datos na nakaayos ayon sa presinto, distrito, at kapitbahayan (PDF at Excel), at b) Rekord ng mga Boto, na nagpapakita ng raw data ng boto (JSON).

Pag-obserba ng Publiko

Ang mga miyembro ng publiko ay malugod na inaanyayahan na mag-obserba sa pagpoproseso ng balota nang personal o sa pamamagitan ng livestream na naka-post sa pahinang Pag-Obserba sa Eleksyon.