Maaaring bumoto ang sinumang botante sa Sentro ng Botohan sa City Hall simula 29 mga araw bago mag-eleksyon. Matatagpuan ang Sentro ng Botohan sa labas ng Room 48 sa City Hall. Madaling mapasukan ang gusali sa mga botanteng may kapansanan at mayroong magagamit na makina ng pagboto para sa kanila.
Oktubre 11 - Nobyembre 7, 2016
Lunes-Biyernes, 8 a.m. - 5 p.m. (Pista opisyal ang Oktubre 10; sarado ang Sentro ng Botohan sa City Hall)
Oktubre 29-30 at Nobyembre 5-6, 2016
Sabado-Linggo, 10 a.m. - 4 p.m. (dapat pumasok ang publiko sa City Hall sa Grove Street)
Martes, Nobyembre 8
Araw ng Eleksyon! 7 a.m. - 8 p.m.
Maaaring humiling ang sinumang botante na bumoto sa pamamagitan ng koreo. Dapat matanggap ang mga kahilingan bago o sa Nobyembre 1, 2016.
I-track ang inyong balota mula sa petsa kung kailan ito nai-print, sa kung kailan naipadala ang pakete ng balota sa post office patungo sa inyo, sa kung kailan natanggap ng Departamento ang balota, bineripika ang pirma sa pambalik na sobre, at binilang ang balota. Sa sitwasyong hindi maaaring bilangin ng Departamento ang isang balota, magbibigay ang tool ng dahilan at mga posibleng aksiyon na maaaring gawin ng botante para mabilang ng Departamento ang balota.
Oktubre 24, 2016 ang huling araw para magparehistro upang makaboto sa eleksyon sa Nobyembre 8, 2016.
Mga Importanteng Petsa ng Eleksyon at mga Deadline